Ang pag-release ng ating komisyon ay batay sa mga bayad ng kliyente at pagsusumite ng mga dokumento. Una, makakatanggap ka ng unang bahagi ng komisyon kapag nabayaran na ang reservation fee, at sunod-sunod naman ang mga sumusunod na bahagi kada buwan habang nagbabayad ng down payment ang kliyente. Kapag nailabas na ang home loan, malaki na rin ang iyong makukuhang bahagi ng komisyon.